^

Metro

Partial operation ng tricycle pinayagan sa Mandaluyong

Neil Jayson Servallos - Pilipino Star Ngayon
Partial operation ng tricycle pinayagan sa Mandaluyong
Ito ang nabatid sa City Public Information Office na nagsabing takdang aprubahan ngayon ng city council ang isang fare matrix at mga panuntunan sa partial operation ng mga traysikel.
Philstar.com/ Irish Lising

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng pamahalaang lokal ng Mandaluyong City ang araw-araw na operasyon ng kahit kalahati ng mga tricycle sa lunsod sa ilalim ng color coding scheme sa transisyon nito sa mas maluwag na lockdown protocol.

Ito ang nabatid sa City Public Information Office na nagsabing takdang aprubahan ngayon ng city council ang isang fare matrix at mga panuntunan sa partial operation ng mga traysikel.  Magsisimulang pumasada ang mga traysikel sa oras na makapagdesisyon ang konseho.

Kabilang sa naunang tinalakay na mga panuntunan noong Biyernes ang single passenger limit bawat tricycle, pagbabawal sa back riding at pagpapatupad ng safety measures sa pagbibiyahe tulad ng paglalagay ng plastic barrier sa pagitan ng driver at sidecar.

“Tatalakayin ng konseho ang pagtaas ng pasahe dahil isang pasahero lang ang papayagang sumakay sa bawat unit ng traysikel. Pero nais tiyakin ng pamahalaang-lunsod na hindi lubhang mataas ang dagdag na pasahe,” sabi ng PIO Chief Jimmy Isidro.

Sinabi rin ni Isidro na oobligahin ang mga driver na magsuot ng face mask at gloves. Isasailalim din ang mga driver sa rapid test bago payagang mag­hatid ng mga pasahero.

Hahatiin din sa dalawang grupo ang mga tricycle driver sa lunsod. Bawat grupo ay papa­sada sa ikalawang araw lang. Magkakaroon naman ng exemption sa emergency situation. 

MANDALUYONG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with