^

Metro

3 brgy. officials, kinasuhan sa katiwalian sa SAP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 brgy. officials, kinasuhan sa katiwalian sa SAP
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng tatlong residente ng Brgy. San Agustin na nakatanggap ng P6,500 SAP noong Abril 27. Ngunit hiningi umano ng suspek na si Flores ang P4,000 na ibibigay umano kay Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz Sr. at nagbanta na kung hindi magbibigay ay maba-blacklist sila at hindi na makatatanggap ng SAP sa susunod na buwan
STAR/ Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong graft and corruption ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong barangay officials buhat sa Hagonoy, Bulacan dahil sa mga sinasabing anomalya sa distribusyon ng pera sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa kanilang mga kabarangay.

Kinilala ni NBI OIC Director Eric Distor ang mga inaresto na sina Jason Mendoza, Brgy. Chairman; Danilo Flores, Brgy. Kagawad at Richard Bautista, Brgy. Exe­cutive Assistant, pawang mga opisyal ng Brgy.  San Agustin, sa bayan ng Hagonoy. Isinama rin sa kaso sina Levi Cosay, dating kagawad at Regine Bautista, misis ni Richard Bautista.

Nabatid na Mayo 11 nang sampahan sila ng mga kasong paglabag sa Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act sa Department of Justice (DOJ).

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng tatlong residente ng Brgy. San Agustin na nakatanggap ng P6,500 SAP noong Abril 27. Ngunit hiningi umano ng suspek na si Flores ang P4,000 na ibibigay umano kay Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz Sr. at nagbanta na kung hindi magbibigay ay maba-blacklist sila at hindi na makatatanggap ng SAP sa susunod na buwan.

Nabatid rin na may kabuu­ang P117,000 ang nakolekta ng suspek na si Flores at kaniyang misis na si Bautista.  Naniniwala naman ang mga residente na bilang Executive Assistant ng barangay ay ginawa ito ng suspek sa pakikipagsabwatan umano sa kanilang Chairman na si Mendoza.

Muling nanawagan naman si Distor sa publiko lalo na ang mga benepisaryo ng SAP na magsumbong sa kanila kung sa tingin nila ay may anomalya sa pamamahagi nito sa kanilang barangay.

ERIC DISTOR

SAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with