1 kaban ng bigas sa jeepney driver

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na inihatid ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau sa kani-kanilang bahay ang isang kaban o 50 kilo ng bigas sa mga miyembro ng Pasang-Masda at Federation of Jeepney Ope­rators and Drivers Association of the Philippines.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Binigyan ng tig-isang kaban ng bigas ang nasa 1,777 driver at operators na miyembro ng dalawang transport groups dahil sa patuloy na hindi nakakabiyahe dulot ng quarantine.

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na inihatid ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa kani-kanilang bahay ang isang kaban o 50 kilo ng bigas sa mga miyembro ng Pasang-Masda at Federation of Jeepney Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Samantala, matapos na makarating sa kaniya ang mga sumbong ng mga senior citizen, nagpahabol si Domagoso ng ayudang gatas at tig-P1,500 cash sa mga senior citizen na nagsabing hindi sila nabigyan ng kanilang mga barangay official. Sinabi ni Moreno na iimbestigahan at papanagutin ang mga barangay officials na nagpabaya kung bakit hindi nakasama ang malaking bilang ng senior citizen.

Show comments