Paglapag ng mga eroplano sa NAIA itinakda
MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines na, simula bukas (Mayo 11), lahat ng inbound international chartered flights at commercial flights ay bibigyan ng kanya-kanyang araw ng paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Isinaad sa ‘Notice to Airman” ng CAAP operations center na ang mga inbound international chartered flights ay papayagan lamang na lumapag ang kanilang mga eroplano sa NAIA tuwing Lunes at Huwebes kung makakakuha sila ng clearance mula sa Department of Foreign Affairs ( DFA) at CAAP para sa slotting purposes.
Ang mga inbound international commercial flights ay papayagan tuwing Martes, Miyerkules, Biyernes, Sabado, at Linggo pero kailangan aprobado ang kanilang clearance sa CAAP ng 48-hours bago ang naka-iskedyul na pag-alis mula sa airport na pinagmulan nila para sa mga kinakailangang mga slotting at rescheduling ng mga flight sa pagkakasunud-sunod at mag-subscribe sa 400 mga pasahero lamang sa bawat araw na kapasidad ng NAIA.
Ang mga paghihigpit ay aabutin ng isang buwan mula Mayo 11-Hunyo 10 at ipinapatupad sa NAIA lamang. Sa iba pang international airport sa bansa ay mayroon ding mga hiwalay na mga paghihigpit
- Latest