Pito arestado sa pekeng travel pass

Sa ulat ng Station Intelligence Section ng Makati Police, habang nagsasagawa ng anti-criminality operations at monitoring ang mga nakasuot sibilyan na operatiba ay nati­yempuhan ang mga suspek na sakay ng isang Nissan na may plakang NCA 9051, sa Jupiter Street, dakong alas 11:00 ng gabi ng Mayo 8, 2020.
STAR/ Miguel De Guzman, file

Wala ring facemask at quarantine pass

MANILA, Philippines — Pito katao ang inaresto at sinampahan ng mga reklamo sa piskalya dahil sa pagbibiyahe nang walang quarantine pass, walang mga suot na facemasks at pagpapakita ng umano’y pekeng sertipikasyon ng pagbiyahe sa Makati City kamakalawa.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code  at Falsification of Public Document sa Makati Prosecutor’s Office ang mga suspek na sina Kyle Novida, 24-anyos, driver at residente ng Maricaban, Pasay City; Aida Quinto, 41, ng Barangay Cembo, Makati City; Jerald Dana, 24, ng San Rafael, Tarlac City; Junell Jay Abreo, 33, call center agent, ng Maypajo, Pasay City; Roque Quinto, 38, call center agent,  ng Brgy. Cembo; Norman Bulosan, 29, ng Eulogia Drive, Apolonio Samson, Quezon City; at Rachelle Bulosan, 33, ng No. 39 Eulogia Drive, Apolonio Samson.

Sa ulat ng Station Intelligence Section ng Makati Police, habang nagsasagawa ng anti-criminality operations at monitoring ang mga nakasuot sibilyan na operatiba ay nati­yempuhan ang mga suspek na sakay ng isang Nissan na may plakang NCA 9051, sa Jupiter Street, dakong alas 11:00 ng gabi ng Mayo 8, 2020.

Napansin ang mga suspek na pawang walang suot na facemasks at nang sitahin ay walang maipakitang  qua­rantine passes kaya pinahin­to sila subalit tinangkang takasan ang mga pulis. Napilitan silang harangin at arestuhin dahil sa mga paglabag sa protocol na ipinatutupad kaugnay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Show comments