^

Metro

Matinding init sa Metro Manila hindi dahil sa ‘equinox’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Matinding init sa Metro Manila hindi dahil sa ‘equinox’
Sinabi ni Rojas na ang panahon ng tag-init na nararanasan sa ngayon ay matatapos pa sa huling araw ng buwan ng Mayo at ina­asahan naman na mararanasan ang tag-ulan sa buwan ng Hunyo o Hulyo.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon, file

MANILA, Philippines — Mistulang ‘fake news’ ang tungkol sa ‘equinox phenomenon’ ang dahilan sa matin­ding init na nararanasan sa kasalukuyan.

Ayon sa PagAsa, hindi ang equinox phenomenon kundi ang high pressure area at easterlies ang nagdudulot ng matinding init ng panahon sa bansa lalu na sa Metro Manila.

Sinabi ni weather forecaster Ariel Rojas ng PagAsa, walang umiiral na equinox pheno­menon ngayong buwan ng Mayo.

Ang equinox ay ang pagharap ng araw sa  equador. Ito ay huling naranasan sa bansa noong March 20.

“Ngayon po ay Mayo at tayo po ay nasa gitna na ng ating tag-init so wala na pong epekto or hindi na po mangyayari ‘yong equinox,” paliwanag ni Rojas.

Ang pahayag ay ginawa ng PagAsa nang mapaulat sa Facebook  na dapat mag ingat ang mga tao sa equinox phenomenon na mararamdaman sa susunod na limang araw dahil sa magdudulot ito ng mainit na panahon na maaaring magdulot ng dehydration o heat stroke sa maraming tao.

“Walang katotohanan na magkakaroon ng ‘equinox pheno­menon’ sa susunod na limang araw sapagkat tapos na ang spring equinox noong Marso 20. Ang autumnal equinox naman ay mangyayari sa Setyembre 23 pa,” paliwanag pa ni Rojas.

Sinabi ni Rojas na ang panahon ng tag-init na nararanasan sa ngayon ay matatapos pa sa huling araw ng buwan ng Mayo at ina­asahan naman na mararanasan ang tag-ulan sa buwan ng Hunyo o Hulyo. 

 

EQUINOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with