MANILA, Philippines — Matapos ang 48-oras na ‘hard lockdown’, nasa 20 residente ng Sampaloc District sa Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isinagawang ‘targeted mass testing’ ng Manila Health Department.
Nabatid na 854 residente ang isinailalim sa testing kabilang ang 33 senior citizens na isinagawa nitong Abril 24 hanggang 25.
May kabuuan na 157 violators ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) naman ang dinampot ng pulisya sa Sampaloc mula alas-8 ng gabi ng Abril 23 hanggang alas-8 ng gabi ng Abril 25.
Bukod dito, may 13 ring mga minor ang dinampot at 21 palaboy ang inialis sa lansangan.