^

Metro

130 pasaway naaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
130 pasaway naaresto
Sinabi ni Manila Police Station 4 Chief Police Lt. Colonel John Guiagui na sa loob lamang ng dalawang araw o 48-oras ay hindi pa natiis ng mga pasaway na residente ang manahimik sa kanilang mga bahay na ang iba ay nahuling lasing at amoy alak at naglalamyerda sa kalye.
Miguel De Guzman

Hard lockdown sa Sampaloc

MANILA, Philippines — Umabot sa 130 kataong pasaway ang naaresto dahil sa paglabag sa hard lockdown sa Sampaloc, Maynila.

Sinabi ni Manila Police Station 4 Chief Police Lt. Colonel  John Guiagui na sa loob lamang ng dalawang araw o 48-oras ay hindi pa natiis ng mga pasaway na residente ang manahimik sa kanilang mga bahay na ang iba ay nahuling lasing at amoy  alak at naglalamyerda sa kalye.

Ang lahat ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11469 (Ba­yanihan To Heal As One Act). Pansamantala silang tinipon at namalagi sa mga  covered court na ginawang temporary holding facilities at inobligang panoorin ang mga video na magtuturo sa kanila sa magiging epekto ng paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) at pagkalat pa ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Noong Abril 23 inutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasailalim sa hard lockdown sa buong Sampaloc area upang mapigilan ang pagtaas pa ng bilang ng COVID-19 dahil ito ang may pinakamataas na kaso sa lungsod.

COLONEL JOHN GUIAGUI

SAMPALOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with