^

Metro

50 empleyado ng MCMC, nagpositibo sa COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabuuang 50 doktor, nurse, iba pang medical personnel at  empleyado ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bunsod nito ay limitado na lamang na pasyente ang tinatanggap sa nasabing pagamutan.

Sa isang pahayag na nilagdaan ni Dr. Zaldy Carpeso, na siyang medical director ng MCMC, sinabi nito na may tatlong buwan na ang laban sa COVID- 19 pandemic at sa mga panahong ito ay isa ang MCMC sa mga ospital na maraming pasyente  ang isinusugod sa kanila.

Ani Dr. Carpeso, hindi anila maiiwasang maging mga doktor, nurse at iba pang empleyado ng ospital ay mahawa sa virus.

Nilinaw naman ng MCMC na tatanggap pa rin naman sila ng mga pasyente, ngunit yaong kritikal at emergency cases lamang, sa loob ng 30 araw.

Layunin anila nito na mabigyan ng panahon ang kanilang mga tauhan na makapagpagaling.

Tuloy-tuloy naman ang pag-disinfect ng kanilang pasilidad para mapatay ang ano mang virus at matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente.

vuukle comment

MCMC

ZALDY CARPESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with