QUEZON CITY, Philippines — Pinalawig pa ng pamahalaang lokal ng Quezon City hanggang sa Hunyo ang taning para sa pagbabayad ng buwis sa kanilang lungsod.
Sa inilabas na advisory, sinabi ng pamahalaang lokal ng QC na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte na wala silang ipapataw na anumang penalties sa pagbabayad ng buwis.
Sa halip, bibigyan pa ng diskwento ang mga magbabayad bago o hanggang Hunyo 1, 2020.
Bukod dito,, extended din ang renewal ng business permit para sa mga negosyante.
Kasama rin sa extension ang regulatory fees tulad ng garbage fees at mayors permit fees, slaughter fee, Ante mortem at Post mortem fee sa mga slaughterhouse.