^

Metro

Detenidong may mataas na lagnat tumakas sa ospital

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinusuyod ng mga awtoridad ang mga lugar na posibleng pagtaguan ng isang 45-anyos na person under police custody (PUPC) na tumakas sa ospital sa Taguig City noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat kahapon ng Taguig City Police, ang PUPC na si Christopher Tyrone Ramirez ay nakatakas sa Taguig-Pateros District Hospital sa East Service Road, Western Bicutan, Taguig City ward, dakong alas-9:00 ng umaga noong Abril 17, 2020.

Noong Marso 27, 2020 nadakip si Ramirez dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakulong sa Taguig Police Custodial Facility.

Na-admit si Ramirez sa nasabing pagamutan noong Abril 2, 2020 nang siya ay isugod  doon ng mga pulis matapos dumaing na masasakit ang mga hita at  mataas na lagnat na posibleng dahil sa mga pigsa hanggang nitong Abril 17, nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa hospital personnel na nawawala ito sa ward. 

 

CHRISTOPHER TYRONE RAMIREZ

TAGUIG CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with