^

Metro

7 pasaway na nagsusugal sa ECQ, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
7 pasaway na nagsusugal sa ECQ, arestado
Sa Parañaque, apat na tambay ang naaktuhang naglalaro ng cara y cruz sa kalye, na may baon pang shabu, sa gitna ng umiiral na 24-hours curfew kaugnay sa ECQ, kamakalawa ng hapon. Nakapiit na sa Parañaque Custodial Facility ang mga suspek na kinilalang sina Joel Villarmino, 27; Julito Lucero Jr, , 29; Henry Galario, 53, at Charlie Galvez, 61.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang pito katao na itinuturing na ‘pasaway’ sa ipinatutuipad na enhanced community quarantine sa magkahiwalay na lugar sa Parañaque at Las Piñas.

Sa Parañaque, apat na tambay ang naaktuhang naglalaro ng cara y cruz sa kalye, na may baon pang shabu, sa gitna ng umiiral na 24-hours curfew kaugnay sa ECQ, kamakalawa ng hapon. Nakapiit na sa Parañaque Custodial Facility ang mga suspek na kinilalang sina Joel Villarmino, 27; Julito Lucero Jr, , 29; Henry Galario, 53, at Charlie Galvez, 61.

Sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng Parañaque Police Community Precinct -3 (PCP-3) sa pangunguna ni P/Major Elizaldy Matulac, dakong ala-1:00 ng hapon  ng Abril 16 nang madaanan at maaktuhan ang apat na naglalaro ng cara y cruz sa  Johanes St., at nang kapkapan ay nakuhanan sa bulsa ng .2 gramo ng shabu na may street value na P3,400.00 si Villarmino, Bukod sa .2 gramo ng shabu, nasamsam mula sa mga suspek ang 3 peso coins na gamit sa cara y cruz; P440.00 na bet money; P1,360.00 cash.

Samantala, sa ulat ng Las Piñas Police, dakong alas 3:25 ng hapon ng araw ding ito nang hulihin sa Jerusalem St., BF Martin Ville Manuyo Dos, Las Piñas City ang mga suspek na kinilalang sina Jojo Awitin, 53, at Alex Sajul, 42, driver; Jayvee Alas, 36.

Sa tawag ng concerned citizen, rumesponde ang grupo na pinangunahan ni P/Major Teoson Rosarito sa lugar na itinurong nagsusugal ang mga suspek, kung saan narekober ang baraha at bet money.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with