^

Metro

Multa, kulong parusa ng Maynila sa 'di magfe-face mask sa labas ng bahay

James Relativo - Philstar.com
Multa, kulong parusa ng Maynila sa 'di magfe-face mask sa labas ng bahay
Makikita sa larawang ito ang pila ng sanlaksang taong naka-face mask sa labas ng bahay habang nagpapatuloy ang pananalasa ng COVID-19 sa Pilipinas.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi lang sa ospital ngunit sa kalaboso rin maaaring bumagsak ang mga di magsusuot ng face mask sa Maynila habang laganap ang nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Sa bisa ng Ordinance 8627, sinabi ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na ilalapat ang kautusan sa lahat ng taong nasa territorial jurisdiction ng kabisera bilang tugon sa lumalalang pandemic. 

"Kailangang suotin nang maigi ang face mask sa ibabaw ng ilong at bibig at kakailanganing suotin sa lahat nang oras," sabi ni Domagoso sa Inggles.

Pagmumultahin ng P1,000 sa unang offense at P2,000 sa ikalawa ang lalabag sa ordinansa. 

Isang buwang kulong o P5,000 multa naman ang parusang kakaharapin ng sinumang lalabag dito sa ikatlong beses.

Ilan sa maaaring mask na suotin ay ang sumusunod:

  • ear loop masks
  • "indigenous" masks
  • reusable masks
  • do-it-yourself masks
  • panyo
  • iba pang protective equipment na "epektibong makababawas sa COVID-19 transmission"

Ika-6 ng Abril nang hikayatin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government units na magpatupad ng kani-kanilang oridinansa pagdating mandatory face masks.

"Kung maipapasa ng mga LGU ang ordinansa ng mandatory wearing of face mask, dagdag na naman ito sa mga umiiral na hakbang ng pamahalaan sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus sa ating mga pamayanan and right now, we cannot be limiting ourselves to minimal preventive measures," ani Año.

Matatandaang sinabi ng World Health Organization na hindi sapat ang mga face mask bilang proteksyon sa COVID-19 kung hindi magiging malinis sa katawan, lalo na't maaari itong lumikha ng "false sense of security" at maging kampante na lamang.

Sa kabila nito, naglatag naman sila ng mga panuntunan sa tamang paggamit nito.

Inirerekomenda naman na ng Center for Disease Control and Prevention ang pagsusuot ng mga face coverings, maging ang face mask na gawa sa bahay, upang pabagalin ang pagkalat ng COVID-19.

Umabot na sa 3,453 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 349 na ang namamatay habang 353 na ang gumagaling, ayon sa Department of Health.

FACE MASK

FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with