BDO ‘ATM on Wheels’ umarangkada

Kaugnay nito, ipinahayag ng BDO na ipinosisyon nito ang mga ATM on Wheels nito sa mga lugar na sarado ang mga sangay ng banko o sa mga lugar na walang malapit na ATM machine.
Philstar.com/irish Lising

MANILA, Philippines — Patuloy na gumagawa ang BDO Unibank ng mga paraan para maging accessible ang services nito sa mga lugar na saklaw ng enhanced community quarantine.

Kaugnay nito, ipinahayag ng BDO na ipinosisyon nito ang mga ATM on Wheels nito sa mga lugar na sarado ang mga sangay ng banko o sa mga lugar na walang malapit na ATM machine.

Sa lumilibot  na ATM on Wheels, magagawa ng mga kliyente ng banko ang iba’t ibang transaksyon tulad ng  balance inquiry, cash withdrawal, cash advance, BDO cash card reload, prepaid mobile reload, fund transfer, donation, activation ng online banking enrollment at 3rd party fund transfer at  pin change.

Bukas ang ATM on Wheels mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi at tumatanggap ng local at international cards. Para sa latest bank advisories at mahahalagang impormasyon kaugnay ng ECQ, bumisita sa BDO official website bdo.com.ph at official Facebook page (fb.com/BDOUnibank).

Show comments