Para sa mga dumaraang sasakyan
MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus 2019, nagkaloob ng libreng tubig ang Maynilad Water Company sa 16 na disinfecting stations na itinalaga ng Department of Public Works and Highways para malinis ang mga sasakyan na dumadaan sa mga national roads at highways.
Mayroong Maynilad water tanker refilling, isang pasilidad na gamit para sa pag-imbak ng disinfection solution na pang-spray sa mga sasakyan na dadaan sa Mindanao Avenue sa Quezon City.
Patuloy din ang pamamahagi ng Maynilad ng drinking water para sa mga frontliners tulad ng mga health workers at on-ground checkpoint personnel na nananatiling naka duty habang ipinaiiral ang Enhanced Community Quarantine.