MANILA, Philippines — Hindi natuloy kahapon ang nakatakdang pamamahagi ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano ng food packs matapos magpasiya na simulan ang home quarantine.
Ayon sa hepe ng Pasay Public Information Office (PIO) na si Jun Burgos, may nakasalamuhang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 si Mayor Emi.
Personal na hinarap umano ng alkalde ang isang humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan habang umiiral na ang enhanced communit quarantine (ECQ) kaya minabuting mag-home quarantine na lamang sa halip na mamahagi ng relief goods.
Nakatakda na ring sumailalim sa COVID-19 test ang alkalde, Kahapon, ipinaubaya na lang ni Emi sa mga opisyal ng barangay ang pamimigay ng food packs sa Brgy. 201, sa Merville Access Road , Kalayaan village, Pasay City.