^

Metro

INC nag-donate ng P10 milyon halaga ng protective equipment at supplies sa Quezon City hospitals

Pilipino Star Ngayon
INC nag-donate ng P10 milyon halaga ng protective equipment at supplies sa Quezon City hospitals
Kasunod ito sa pagpapagamit ng INC sa pag-aaring Philippine Arena sa Bocaue. Bulacan para gawing ‘mega medical facility’ para labanan ang COVID-19.
Photo by Malacañang Photo Bureau/Rey Baniquet unless otherwise stated

MANILA, Philippines  — Nag-donate ang Iglesia Ni Cristo (INC) ng protective equipment at supplies na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Quezon City hospitals  para sa mga frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Kasunod ito sa pagpapagamit ng INC sa pag-aaring Philippine Arena sa Bocaue. Bulacan para gawing ‘mega  medical facility’  para labanan ang COVID-19.

Sinimulan ng INC ang pagkakaloob ng protective equipment at iba pang pangangailangang suplay sa mga pampublikong pagamutan sa lungsod Quezon bilang suporta sa local government at health authorities laban sa COVID-19.

“We’re distributing these necessities to all public hospitals in Quezon City to address the urgent needs of our medical frontliners. We’re doing our own effort to lessen their vulnerability to the virus when they’re performing their tasks,” ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr.

Sinabi pa ng INC general auditor , ito ay base sa kautusan ni  INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo na pagitingin ang ibinibigay na tulong at assistance para mapigilan ang pagkalat ng virus, kung saan marami ng lugar sa Quezon City ang naitatalang marami na ang nagpopositibo na sa virus at nangangailangan ng tulong.

“Sinabi sa amin ni Ka Eduar­do na imbes na katakutan ang bantang ito ay harapin ito na may pag-aksyon, kaya nga pinili ng INC na tumulong sa gobyerno at sa ating mga kababayan sa anumang pa­raan sa abot ng aming makakaya”, dagdag pa ni Santos Jr.

Inihayag pa nito na ang   facility’s management ay nakipagpulong na sa  Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Kama­kalawa ay nagsagawa na rin ng ocular inspection ang mga representante ng gobyerno  sa Philippine Arena, Philippine Sports Stadium at Garden Suites, sa loob ng Ciudad del Victoria sa Bulacan.

“Handa kaming tumulong. In this critical time we all need to work together to beat this virus. We are all affected, so we must all act”, dagdag pa nito.

Ang Philippine Arena sa Bulacan ay ang pinakamala­king indoor arena sa buong mundo. May sitting capacity na 50,000 at may floor area  na 99,000 square meters.

Ipinaliwanag pa ni Santos na ang Philippine Arena, ay maaaring pansamantalang gawing “mega medical facility” para sa mga COVID patients.

“Medical personnel assigned to the venue can also use the rooms at The Garden Suites in the Ciudad de Victoria as their quarters, so they need not commute to and from Metro Manila”, dagdag pa nito.

Magugunitang unang nagkaloob ang INC ng five million-peso donation sa Quezon City government sa pamamagitan ni Mayor Joy Belmonte, at P3 milyong halaga ng medical assistance sa  Davao City.

IGLESIA NI CRISTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with