^

Metro

Port of Manila nakaambang isara dahil sa congestion

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Port of Manila nakaambang isara dahil sa congestion
Sinabi ni Philippine Port Authority General Manager Jay Daniel Santiago na isang memorandum na pabibilisin ang proseso ng mga kargamento sa pitong araw sa halip na 53-araw ay naisumite na at kasalukuyang sinusuri na ng mga opisyal ng DOF at Bureau of Customs.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines-- Nakaambang maipa-sara ang Port of Manila dahil sa patuloy na pagka­katambak ng mga kargamento kung hindi agad maaaksyunan ng mga opisyal ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Customs (BOC) ang panukala sa pagpapabilis sa kanilang proseso.

Sinabi ni Philippine Port Authority General Manager Jay Daniel Santiago na isang memorandum na pabibilisin ang proseso ng mga kargamento sa pitong araw sa halip na 53-araw ay naisumite na at kasalukuyang sinusuri na ng mga opisyal ng DOF at Bureau of Customs.

Kailangang madaliin na umano ang desisyon ukol dito dahil sa labis na ang pagkakatambak ng mga hindi naire-release na mga kargamento sa Port of Manila. Sinabi niya na maaa-ring magsara ang pantalan sa loob ng anim hanggang walong araw kung hindi masosolusyunan ang mga problema.

Kabilang sa mga problema na kinakaharap nga-yon ay ang ‘skeletal staffing’ ng Manila International Container Terminal (MICT) at ang mga ‘lockdown’ sa iba’t ibang lugar kaya buma­bagal ang delivery ng mga kargamento sa destinasyon ng mga ito.

Nabatid kay Santiago na tinatayang 4,000 containers ang dumarating sa pantalan kada-araw na dapat ay kahalintulad na bilang rin ang naipalalabas. Ngunit dahil sa kakapusan ng tauhan, nasa 40% lamang ng 4,000 containers ang nakalalabas kada-araw.

Nanawagan rin si Santiago sa mga negosyante na maging responsable nga-yong panahon ng krisis at kunin na agad ang kanilang mga shipment para hindi na makadagdag sa mga naka-tambak sa pantalan.

BOSC

DOF

PORT OF MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with