7 pulis na ang nagpopositibo sa COVID- PNP
MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police na pito na ang nagpositibong police personnel sa COVID-19.
Ayon kay PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, ang apat na nadagdag ay lalaking 53-anyos; 52-anyos na lalaki; 47-anyos na babae; at 46-anyos na lalaki at pawang mga nakatalaga sa Metro Manila.
Samantala, isinaad din na base sa datos mula PNP Health Service, sinabi ni Banac na may kabuuang bilang na 145 PNP personnel ang kinokonsiderang persons under investigation habang 1,416 naman ang persons under monitoring.
Dahil dito, sinabi ni Banac na inatasan na ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa ang Kiangan Billeting Center (KBC) sa loob ng Camp Crame na magbukas para sa mga kailangang sumailalim sa self-quarantine.
“The KBC now offers 43 rooms with free board and lodging, free food (breakfast, lunch and dinner) and also other free services such as Wi-fi connection,” paliwanag ni Banac.
- Latest