^

Metro

MMDA chief positibo sa COVID

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MMDA chief positibo sa COVID
Sinabi ni Garcia sa isang pahayag kahapon na sa bahay siya magtatrabaho dahil nalaman niyang positbo siya sa COVID-19.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Positibo sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Sinabi ni Garcia sa isang pahayag kahapon na sa bahay siya magtatrabaho dahil nalaman niyang positbo siya sa  COVID-19.

Dahil dito, ipinapayo din ni Garcia na dapat ding mag-self quarantine ang mga nakahalubilo niya noong Marso 20, 2020 partikular sa isinagawang turn-over ni Senator Manny Pacquiao sa limang tourist bus sa flagpole area ng MMDA, sa Guadalupe, Nuevo, Makati City, na dinaluhan din ng iba pang opisyal at peronnel ng MMDA at mga mamamahayag.

Ang 5 tourist bus na ipinahiram sa senador ay kabilang ngayon sa ginagamit na service vehicle ng MMDA para sa libreng sakay ng essential workers dahil sa kawalan ng masasakyan sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

Marso 23 nang kusang nagpa-quarantine si Garcia  matapos malaman na isa sa nakasama sa isang pagpupulong ay nagpositibo sa  coronavirus disease 2019 (COVI-19). 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with