^

Metro

Higit 100 palaboy sinagip

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit 100 palaboy sinagip
Dito binibigyan ng Pamahalaang Lungsod ang mga palaboy ng pang-araw-araw nilang pangangailangan. Pinapakain rin sila ng almusal, tanghalin at hapunan.
Edd Gumban/FIle

MANILA, Philippines — Umabot sa 130 mga palaboy o ‘street dwellers’ ang pansamantalang inilikas ng  Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa kanilang evacuation area upang maiiwas din sila sa panganib na dulot ng coronavirus disease. Sa ulat ni MDSW head Ma. Asuncion  ‘Re’ Fugoso, nasa 130 indibidwal na ang kanilang inilikas sa Delpan Sports Complex na nagsisilbi nilang pansamantalang ‘shelter’ sa mga palaboy.

Dito binibigyan ng Pamahalaang Lungsod ang mga palaboy ng pang-araw-araw nilang pangangailangan.  Pinapakain rin sila ng almusal, tanghalin at hapunan.

Binigyan rin sila ng kanilang mga matutulugan ngunit tiniyak ng MDSW na magkakalayo sila sa isa’t isa bilang pagsunod sa ‘social distancing protocol’.  “Kung may donations pong natatanggap ang Manila City government for them, dinedeliver na po iyon diretso sa Delpan Sports Complex,” ayon kay Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office.

Samantala, nagpasa rin ang Sangguniang Panglungsod ng Maynila ng ordinansa na sinususpinde ang pagbabayad ng mga renta sa lahat ng tindero sa palangke at may-ari ng mga stalls makaraang hilingin ni Mayor Isko Moreno. Sa ilalim ng Resolution No. 85 series of 2020, inaprubahan ang hindi muna pagbabayad ng renta sa lahat ng pampublikong palengke habang nasa quarantine ang buong Metro Manila at Luzon at upang hindi na mapahirapan ang mga tindero at stall owners.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with