60 araw na extension sa mga BDO customers

“Nauunawaan namin na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay mahirap, at imposible rin, sa sino man na makabayad. Ayaw naming mag-alala sila rito. Lahat tayo ay kailangang panatilihing ligtas ang ating mga sarili at ang mga mahal natin sa buhay,” pahayag pa ng BDO.
Wikimedia Commons/File

Sa pagbabayad ng credit card at loans

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng BDO na binibigyan nito ng 60-araw na extension sa pagbabayad ang mga kuwalipikadong  Credit Card, Auto, Home, SME, at Personal Loan customers na me­rong due dates na hanggang Abril 15 kaugnay ng enhanced community quarantine na ipinapatupad dahil sa coronavirus 2019 (COVID-19).

“Nauunawaan namin na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay mahirap, at imposible rin, sa sino man na makabayad. Ayaw naming mag-alala sila rito. Lahat tayo ay kailangang panatilihing ligtas ang ating mga sarili at ang mga mahal natin sa buhay,” pahayag pa ng BDO.

Ang mga kinauukulang credit card at loan customers ay makakaasa ng email at SMS mula sa BDO kaugnay ng kaluwagan sa pagbabayad.

Show comments