7,000 empleyado ng Parañaque City, tatanggap na ng mid-year bonus, clothing allowance
MANILA, Philippines — Matatanggap na simula ngayong araw ang full mid-year bonus ng nasa 7,000 ng regular at casual employees ng Parañaque City Government, ayon kay Mayor Edwin Olivarez
Bukod pa sa bonus, lahat din ng empleyado ay mabibigyan ng P6,000 clothing allowance na sisimulan ngayon (Marso 19) hanggang sa Lunes Marso 23.
Anang alkalde, dahil sa pagsasailalim sa buong bansa ng state of calamity at enhanced community quarantine sa buong Luzon, hindi na kailangang magtungo pa sa Parañaque City Hall ang mga empleyado dahil idadaan na ito sa kanilang Land Bank automated teller machine (ATM).
“The early release of the bonus pay is to augment the financial needs of employees who would be economically affected by the crisis,” ani city treasurer, Dr. Anthony Pulmano.
Makukuha rin ng mga kawani ang kanilang regular na buwanang sweldo.
Sapat aniya ang pondo kaya nai-release ang pangangailangang ito sa krisis na nararanasan ngayon kaugnay sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Noong nakalipas na taon, nakapagtala ng P5.3 bilyon na kita ang pamahalaan ng Parañaque na tumaas ng P1.6-B mula sa dating P3.7-B.
- Latest