^

Metro

Access sa mga locally-based government hospitals sa Quezon City, nilimitahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Access sa mga locally-based government hospitals sa Quezon City, nilimitahan
Sa pinalabas na memorandum ni Mayor Joy Belmonte, nakasaad dito na bukod sa mga city-run hospitals ay hihigpitan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagpasok sa mga government hospitals sa lungsod bilang bahagi ng pag- iwas sa paglaganap sa naturang virus.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, nilimitahan na rin ng Quezon City government ang access ng mga tao sa  mga ospital ng gob­yerno na matatagpuan sa lungsod tulad ng Philippine Heart Center, East Ave­nue Medical Center, Philippine Lung Center at National Kidney and Transplant Institute.

Sa pinalabas na  memorandum ni Mayor Joy Belmonte, nakasaad dito na bukod sa mga city-run hospitals ay hihigpitan  na rin  ng lokal na pamahalaan ang pagpasok sa mga government hospitals sa lungsod bilang bahagi ng pag- iwas sa paglaganap sa naturang virus.

Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte dahil sa pagtaas ng bilang ng mga Persons Under Investigation (PUIs) for COVID-19 sa  Philippine Heart Center.

Sa ilalim ng kautusan ni Belmonte, ang may access lamang sa naturang mga pagamutan ay ang mga pasyenteng kailangang gamutin, may  maximum na 2 miyembro ng pamilya ng pasyente lamang ,  doctors at me­dical health professio­nals na naka-duty para sa essential medical o support services, mga taong magdedeliver ng essential supplies, at authorized government personnel.

Ipinaiiral din dito ang protocols para mamonitor ang lahat ng tao  na nabigyan ng  access sa mga pasilidad kung kailangang magsagawa ng contact tracing ng bawat indibidwal.

Ang lahat ng local emergencies at queries ay maaaring itawag sa  Quezon City’s Task Force COVID-19 hotline, 122 at [email protected]

GOVERNMENT HOSPITALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with