MANILA, Philippines — Sa loob ng mahigit na dalawang dekada, ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang nasa likod nang ‘di mapapantayang paglago ng photography sa bansa sa pamamagitan ng pagdaraos ng basic photo courses para sa nagsisimula at hobbyists at sa mga professional photographers na naghahangad na higit na matuto at mas mahusay sa pagiging photographer.
Sa mga baguhan ay may isang lesson plan upang matutunan nila ang paggamit ng camera at makakuha ng litrato sa loob lamang ng 5 araw or 40 oras. Para sa corporate employers, mas maigsing oras sa paggamit ng camera na ang resulta ay tamang pagkuha ng litrato.
Gaganapin ang susunod na 5-Sabado basic photography seminar umpisa sa Marso 21. Special courses: Lighting Essentials, Peb. 29 and Marso 1; Wedding, Marso 28-29; Cruiseship, Peb. 16; Lightroom, Peb. 15; Photoshop, Marso 28.
Para sa iba pang impormasyon, tawagan ang FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, FemiiBldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila. Tel. 8524-7576/8528-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.