^

Metro

Negosyanteng Tsinoy, patay sa holdap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Negosyanteng Tsinoy, patay sa holdap
Sa ulat ni P/Corporal Allan Lingcong kay Manila Police District-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, dakong alas- 6:10 ng gabi nang maganap ang krimen.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang Filipino–Chinese na negosyante ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem, sa Binondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Albert Tan, 60, at residente ng Intramuros, Maynila.

Sa ulat ni P/Corporal Allan Lingcong kay Manila Police District-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, dakong alas- 6:10 ng gabi nang maganap ang krimen.

 Sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa Ongpin St. at may dalang bag at may sumusunod sa kanyang lalaki .

May bagay na nahulog umano sa biktima kaya binalikan at pinulot at dahil sa nakasunod na lalaki na halos nakadikit na sa kanya ay nilingon niya ito bago tuluyang naglakad kung saan dito na bumunot ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang lalaki at pinaputukan ng dalawang beses sa katawan ang biktima.

Nakadapa na ang biktima na duguan nang muli siyang paputukan ng suspek at kunin ang kanyang bag.

Mabilis namang lumapit sa crime scene ang kasamahan ng suspek na nagmaneho ng motorsiklo at isinakay ang kasabwat bago humarurot sa Ongpin St., diretso palabas sa direksiyon ng Sta. Cruz Church.

Tatlong basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan.

Patuloy pang inimbestigahan ang kaso.

vuukle comment

ALBERT TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with