MANILA, Philippines — Sinuspinde na rin ng Manila City Jail ang pagtanggap ng dalaw para maiwasang mahawa ng COVID-19 ang mga inmates habang nagpatupad ng “Paabot System” para sa pangangailangan nila.
Sa kanilang opisyal na pahayag, humingi sila ng paumanhin at pang-unawa sa mga kaanak ng mga inmates. Maaari pa rin naman na makamusta ang kalagayan ng mga kaanak sa pamamagitan ng E-Dalaw kung saan magkakausap sila sa pamamagitan ng video call sa messenger application.
Magpapatupad rin ng ‘Paabot System’ kung saan may pupunan na form ang mga kaanak para ipakiabot sa mga tauhan ng city jail ang gamit, pera, suplay o pagkain ng bilanggo.
“Lahat ng nasabing paabot ay dadaan pa rin sa masusing proseso ng searching at inspection. Hanggat maaari ay sa iisang lagayan lamang (Plastic/ EcoBag) ilagay ang inyong mga ipapadala upang maiwasan ang pagpapalit palit ng inyong mga gamit,” paalala ng MCJ.