^

Metro

Sumasakay sa LRT-2 kumonti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA , Philippines — Kinumpirma ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera na malaki ang ibinaba ng bilang ng mga commuters na sumasakay sa mga tren ng LRT-2 bunsod na rin ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 Ayon kay Cabrera, simula noong nakaraang linggo ay nakapagtala na sila ng 18,000 o 13% na pagbaba ng bilang kanilang mga pasahero.

 Sa kanilang datos noong Enero, lumilitaw na ang regular na pasahero nila ay nasa 132,000 kada araw.

 Gayunman, simula umano nang maminsala na rin sa Pilipinas ang COVID-19 noong nakaraang linggo ay bumaba na ang naturang bilang at naging 114,000 pasahero na lang.

Consistent naman aniya na COVID-19 ang dahilan kung bakit bumababa ang kanilang passengership.

 Samantala, kaugnay nito, ay tiniyak din naman ni Cabrera na patuloy silang gumagawa ng mga pamamaraan upang maiiwas na mahawahan ng COVID-19 ang kanilang mga commuters.

 Ayon kay Cabrera, tuluy-tuloy ang isinasagawa nilang pag-disinfect sa kanilang mga tren tuwing bumababa ang mga pasahero nito.

Sumasakay sa LRT-2 kumonti

Mer Layson

HERNANDO CABRERA

LRT 2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with