^

Metro

NBI clearance sa mga campus at airports, isusulong

Danilo Garcia - Philstar.com

MANILA, Philippines — Isinusulong  ni National Bureau of Investigation (NBI) Officer-in-Charge Director Eric Distor ang pagkakaroon ng mga NBI Clearance Application Kiosk sa mga university at college campuses at mga paliparan para hindi na mahirapan na makapag-renew ang mga ga-gradweyt na mga estudyante at mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ang nangunguna sa mga programang isinusulong ni Distor makaraan ang ‘turn-over ceremony’ kahapon sa kanyang pagpalit kay outgoing NBI Director Dante Gierran.

Sinabi ni Distor na plano niyang bumuo ng NBI clearance mobile office na mag-iikot sa mga kolehiyo at unibersidad para tumanggap ng aplikas­yon sa mga estudyanteng tiyak nang magtatapos. Magiging libre ito base sa itinatadhana ng Republic Act 11261 o ang “First-Time Job Seekers Assistance Act.”

Ayaw na rin niyang pahirapan ang mga umuuwing OFWs sa pagpila para sa renewal ng kanilang clearance.  Plano ni Distor na maglagay ng mga NBI Clearance Kiosks sa mga paliparan para dito na sila mag-aplay ng renewal at magkaroon pa ng dagdag na oras para sa mga inuuwiang pamilya.

Sa paglaban sa krimen, nangako si Distor na ipagpapatuloy ang paghahabol sa mga organisadong sindikatong kriminal lalo na ang mga sangkot sa ilegal na droga.  Hahabulin din nila ang mga kriminal na nambibiktima sa internet sa pagpapalakas sa cybercrime law enforcement.

“Hahabulin natin ang mga kriminal kahit saan sila nagtatago. The only way na makapagtago sila sa NBI ay kung ibabaon nila ang sarili nila sa hukay,” giit ni Distor.

Samantala, nanawagan din si Distor sa mga kapwa opisyal at tauhan sa NBI na magbitiw na lamang sa tungkulin kung pagpapayaman lamang ang habol sa ahensya. 

“Get out of public office.  Hindi ka yayaman sa public service. Kapag nag-umpisa kang tumanggap tapos ka na,” dagdag niya.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI CLEARANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with