Ex Quezon City Mayor Bistek, kinasuhan ng graft sa P25 milyong solar power project
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng katiwalian ng Quezon City government sa Office of the Ombudsman si dating QC Mayor Herbert ‘Bistek” Bautista at iba pang dating mga opisyales ng city hall kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng P25 milyong pondo para sa isang solar power project.
Sa siyam na pahinang reklamo ng QC government sa pamamagitan ni Atty Carlo Austria, nakasaad na pinirmahan umano ni Bautista ang purchase request, notice of award, contract at disbursement voucher para sa proyekto nang wala pang pag-aprubang ginagawa ang konseho para rito.
Kasama rin sa kinasuhan sina dating QC Administrator Aldrin Cuña na umano’y lumagda sa purchase request at certificate of acceptance para sa proyekto, samantalang ang noo’y City Engineer Joselito Cabungcal ang lumagda sa obligation request.
“For causing undue injury to the City in giving unwarranted benefit, advantage and preference to [Cygnet Energy and Power Asia Incorporated] by unlawfully releasing the amount of [P25,342,359.25] through manifest partiality, evident bad faith, or gross inexcusable negligence, the following persons, in conspiracy with one another, are guilty of violating the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019),” nakasaad sa complaint affidavit ng QC government.
Sa reklamo, sinasabing ang proyekto ay para sa paglalagay ng solar photovoltaic system para sa isang gusali sa QC hall compound gayundin ng waterproofing ng roof deck na paglalagyan ng solar system.
Inaprubahan umano ni Bautista ang pagre-release ng pondo kahit nabigo ang kontraktor na maideliber ang mga kakailanganing materials.
- Latest