Guwardiya na nang-hostage sa San Juan may lisensiya- SOSIA

Ang paglilinaw ay ginawa ni PNP-SOSIA Chief BGen Michael John Dubria bilang tugon sa pahayag ni San Juan City Police Chief Col. Jaime Santos na walang record mula sa SOSIA si Paray.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine National Police- Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) na may lisensiya  sa pagiging security guard ang hostage taker na si Alchie Paray noong Lunes sa San Juan.

Ang paglilinaw ay ginawa ni PNP-SOSIA Chief BGen Michael John Dubria bilang tugon sa pahayag ni  San Juan City Police Chief Col. Jaime Santos na walang record mula sa  SOSIA si Paray.

Subalit makalipas ang ilang oras, sinabi ni Dubria na nakatanggap siya ng text message na si  Alchie Paray ay may hawak na license to exercise security profession hanggang  April 2021.

Ang SOSIA ang may hawak sa accreditation ng mga guwardiya na empleyado ng mga security agency.

Si Paray ay namaril sa loob ng V-Mall sa  Greenhills dakong alas -10 ng umaga kamakalawa na ikinasugat ng isang guwardiya.

Hinostage  ni Paray ang nasa 30 katao sa loob ng mall at makalipas ang 10 oras  ay pinakawalan din.

Hiling ni Paray na magbitiw sa serbisyo ang kanyang mga hepe at humingi ng public apology.

Show comments