E-bike sa Valenzuela kailangan nang irehistro
VALENZUELA, Philippines — Umpisa ngayong Marso 1, kailangan nang iparehistro ang mga “electric bikes” o “E-bikes” sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pagpapatupad ng kanilang “E-Bike Ordinance” na layon umano na mapababa ang nagaganap na aksidente sa mga lansangan.
Dahil dito, nanawagan si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa mga e-bike owners sa lungsod na iparehistro ang kanilang mga behikulo sa Valenzuela City Transportation Office upang mabigyan ng sariling mga license plate at makasama sa mga legal na E-bike na papayagang bumiyahe.
Bukod rito, ang mga nagmamaneho ng E-bike ay dapat ding kumuha ng kanilang E-Bike Driver’s Permit kung wala silang driver’s license buhat sa Land Transportation Office (LTO) para makatiyak na sila ay may sapat na kaalaman sa mga batas trapiko at sa tamang pagmamaneho.
Lahat din umano ng E-bike ay maaaring dumaan sa mga kalsada ng Valenzuela maliban sa mga “low-end skeletal-type body E-bikes” na hindi papayagang makabiyahe sa MacArthur Highway dahil sa maaaring disgrasya na kanilang aabutin.
Ang mga patuloy na hindi tutugon sa ordinansa ay papatawan naman ng multang mula P200 hanggang P500 at pagkaka-impound ng kanilang E-bike.
- Latest