^

Metro

Mga pulis pinaiiwas sa pag-utang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga pulis pinaiiwas sa pag-utang
Bilin ni Sinas sa mga bagong pulis na maging responsable sa pananalapi lalo na’t nataasan na ng pamahalaan ang kanilang mga suweldo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinaiiwas ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director P/MGen Debold Sinas ang mga pulis lalo na ang mga bagong recruit sa mga mapagsamantalang lending companies na siyang nagiging ugat para sila mabaon at maging iskalawag. Ginawa ni Sinas ang pahayag kasabay ng reception rites sa 230 bagong recruit na pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kahapon.

Bilin ni Sinas sa mga bagong pulis na maging responsable sa pananalapi lalo na’t nataasan na ng pamahalaan ang kanilang mga suweldo.

May mga lending company diumano na pumapasok at nag-aalok ng pautang habang nasa training pa lang ang pulis kaya napipilitan ang mga bagong recruit na mangutang kahit hindi naman kailangan.

Dagdag pa ng heneral na kapag nabaon sa utang, natututo nang pumasok sa ilegal na gawain ang mga pulis para makabayad sa patung-patong na interes.

Wala naman umanong dahilan para ma­ngutang ang mga bagong recruit dahil may sahod naman silang kada buwan at libre rin ang kanilang pagkain at tuluyan.

Nagbilin din si Sinas sa mga training manager na huwag hayaan na makapasok ang mga ahente ng mga lending institution para hindi mabaon sa utang ang mga recruit at makapag-pokus lamang sa pagsasanay.

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with