11 dayuhan, 6 Pinoy huli sa ilegal na sugal
MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang condominium unit na ginagawang ilegal na pasugalan at nagresulta sa pagkakaaresto sa 11 dayuhan at anim na Pilipino kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.
Kinilala ang mga dayuhang naaresto na sina Peter Northcott, Canadian, 39; Coenraad Theodoor Kees, Dutch national, 25; James Donald, 57, British; Gautam Nebhwani, Indian, 33; Oliver Lewis, British, 36; Timothee Grassin, French national, 33; Caleb Fornari, British, 31; Robert Nordstrom, American national, 42; Roy Selbach, 30, Dutch national; Andreas Stroem, 25, Danish national; at Amadeo Brands, 31, Dutch national.
Ang mga Pilipino namang naaresto ay sina Anne Monique Javier, 31; Dan Martin, 38; John Michael Bacolod, 27; Joseph Ruby, 30; Sean Fang, 21; at Adrian Joseph Brillantes, 23.
Sa ulat ng pulisya, pasado alas-9 ng gabi nang kanilang salakayin ang Unit 501 Catleya Condominium sa Brgy. San Lorenzo sa Makati City.
Huli sa akto ang mga inabutang mga suspek na abala sa paglalaro ng poker sa isang lamesa sa loob ng unit.
Narekober bilang ebidensya ang isang isang set ng playing cards, poker table, chips, at mga tayang pera na umabot sa P23,290.
- Latest