^

Metro

Trillanes, nagpiyansa sa kasong sedition

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Trillanes, nagpiyansa sa kasong sedition
Si Trillanes ay agad nagtungo sa QC Metropolitan Trial Court Branch 138 para magpiyansa ng P10,000 batay sa rekomendasyon ng korte para makalaya.
Michael Varcas

QUEZON CITY, Philippines — Nakapaglagak na ng piyansa si dating senator Antonio Trillanes para pansamantalang makalaya kaugnay ng kinasasangkutang kasong conspiracy to commit sedition.

Si Trillanes ay agad nagtungo sa QC Metropolitan Trial Court Branch 138 para magpiyansa ng P10,000 batay sa rekomendasyon ng korte  para makalaya.

Ang dating Senador ay kababalik lamang ng Pilipinas kahapon mula sa ibang bansa.

Si Trillanes ay kapwa akusado ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy  hinggil sa alegasyong  pakikipag sabwatan umano  para pabagsakin ang  pamahalaang Duterte. 

Naisampa ang kaso nang pasabugin ni Bikoy sa kanyang “Ang Totoong Narcolist” videos na nag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa illegal drug trade.

Una nang naglagak ng piyansa ang iba pang akusado sa kasong ito.

ANTONIO TRILLANES

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with