^

Metro

Akreditasyon ng Manila Water Lab Services, aprubado hanggang 2022

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na magkakaroon ng malinis na inuming tubig ang publiko alinsunod sa  Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW) ng pamahalaan.

Ito ay makaraang aprubahan ng Department of Health (DOH) Metro Manila Center for Health Development ang renewal ng  Manila Water Laboratory Services’ laboratory accreditation hanggang taong  2022.

Ang akreditasyon ay magbibigay daan sa MWLS na magsagawa ng chemical, physical, at microbiological analysis kahit ang samples ay mula sa labas ng Metro Manila’s East Zone.

Kinilala rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang  MWLS bilang isang  environmental laboratory.

Ang pagkilala ng DENR ay resulta ng isinagawang ­inspection at assessment ng Board of Chemistry,  academe at industry experts na kinomisyon ng  DENR Environmental Management Bureau (EMB).

Ang Environmental laboratories ay otorisado ng DENR na magkaroon ng environmental data para sa  environmental impact assessment, environmental monitoring at research activities na susuporta sa pagpapatupad ng mga alituntunin at batas ng pamahalaan para mapangalagaan ang kapaligiran ng ating bansa .

DENR

DOH

MWLS

PNSDW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with