MANILA, Philippines — Mas magiging mabilis ngayon ang delivery ng mga cargo sa paglulunsad ng bagong app na ‘Carga’.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Sam Lato, Chief Executive Officer ng Carga na magiging tie up nila ang mga truckers kung saan may delivery ang mga ito papunta at pabalik.
Hindi na rin ito makakadagdag pa sa pagsisikip ng daloy ng trapiko kasabay ng ibang delivery truck.
Ngayon ang pormal na magsisimula ng operasyon ng Carga sa Luzon, Visayas at Mindanao. Gamit nila ang 4 -12 wheeler truck.