^

Metro

Malamig na umaga,naitala sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Malamig na umaga,naitala sa Metro Manila
Ayon sa PAGASA, ang naitalang malamig na umaga kahapon ay mas mababa kaysa sa mga nagdaang umaga na may mahigit 20 deg­rees celcius.
Andy G. Zapata Jr/File

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng pinakamalamig na uma­ga ang Metro Manila kahapon na umaabot sa 18.8 degrees celsius partikular sa Quezon City.

Ayon sa PAGASA,   ang naitalang malamig na umaga kahapon ay mas mababa kaysa sa mga nagdaang umaga na may mahigit 20 deg­rees celcius.

Nagtala naman ang Pasay kahapon ng umaga ng 20 degrees celsius at 21.5 degree celcius sa Port Area  Maynila.

Umaabot naman sa 11 degrees Celsius ang naitalang klima sa Baguio City kahapon.

Malamig din ang klima sa Malaybalay, Bukidnon na umabot sa 14 degrees Celsius ang lamig kahapon ng umaga, 15.3 degrees Celsius sa Tuguegarao, 16.8 degrees Celsius sa Laoag City at sa Casiguran Aurora ay pumalo sa 16.8 deg­rees Celsius ang lamig kahapon.

Inaasahan ng Pag­Asa na tatagal pa ang malamig na panahon sa ating bansa bago sumapit ang buwan ng Marso.

Ang malamig na panahon sa Pilipinas ay dulot ng malamig na hangin na nagmumula sa silanganan.

WEATHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with