Railways, magiging pangunahing transportasyon sa susunod na 5 taon

MANILA, Philippines — Higit na pasisiglahin sa Pilipinas ang railways transport bilang pangunahing gamit na sasakyan sa susunod na limang taon sa ating bansa.

Ito ang tinuran ni Clarita Carlos, DOTr head on Road Map sa ginanap na transport  press forum  na Busina sa QC hinggil sa ginawang pag-aaral ng grupo sa kondisyon ng mga lansangan sa Metro Manila at mga lalawigan sa bansa.

Sinabi ni Carlos sa ngayon, meron sa bansa ng MRT, LRT-1 , LRT-2 at ginagawang MRT-7 at iba pa, gayundin ang subway, bubuhayin din sa bansa ang iba pang railways upang mapakinabangan at maibsan ang traffic sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa kalakhang Maynila.

“Given na ang EDSA  na daanan ng mga moto­rist, sobrang traffic diyan at upang maibsan ang traffic diyan, ang railways na ang magiging major means of transport in the next 5 to 10 years, ilipat ang airport sa  Clark Global city and move the universities, ‘yan luluwag ang EDSA diyan  “sabi ni Carlos.

Kaugnay nito, sinabi naman ni MMDA spokeperson Celine Pialago na may naidagdag silang 200 CCTV mula sa 237 CCTV dati upang mapalakas ang monito­ring sa mga lansangan at mahuli ang mga pasaway sa kalye. Sa ganitong paraan anya, iwas din sa korapsyon ang mga enforcers dahil sa no contact apprehension sa mga traffic violators.

 

Show comments