Driver ng PUVs pinagsusuot ng face mask ng LTFRB
MANILA, Philippines — Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga driver at operator ng lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa na magsuot ng mask sa tuwing papasada sa araw- araw.
Sa ipinalabas na memorandum order 2020-05 ng LTFRB, hinihikayat nito ang lahat ng PUV drivers na magsuot ng mask sa tuwing namamasada bilang bahagi ng pag-iingat sa nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV).
Hiniling din ng LTFRB sa mga ito na palagiang mag-disinfect at gumamit ng sanitizer tuwing papasada, partikular sa mga public transportation terminals kung saan maraming tao.
Ang hakbang ay ipinalabas ng LTFRB bunga na rin ng pangambang makakuha ng naturang virus ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan dahil sa personal contact sa ibat- ibang mga pasahero na posibleng may sakit.
Inatasan din ng LTFRB ang lahat ng terminal operators na magbigay ng libreng face masks at disinfectants sa mga tao.
- Latest