MANILA, Philippines — Nasa 25 toneladang karne ng manok na positibo sa African Swine Flu ang nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board matapos na isagawa ang inspection sa mga container sa Manila Harbour Center.
Kabilang dito ang 988 kahon ng chicken pot wrapped, 499 kahon ng chicken with black pepper at 199 kahon ng popcorn chicken na pawang mga galing China.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno na sa pagkakadiskubre ng kargamento lumitaw din ang mga paglabag ng kompanyang Ecosafe Agro Products Manufacturing Fernando Cortez na may address na Firstlink Container Yard, Harbour Center, Rd.10 Vitas, Tondo.
Kabilang sa nilabag ng kompanya ang RA 9296 na inamyendahan ng RA10536 Meat Inspection Code of the Philippines; RA 10611 o Food Safety Act of the Philippines at DA no. 26 series o 2005.
Lumilitaw din na walang permit para sa meat importation at cold storage ang nasabing kompanya.
Sasampahan ng kaso ang nasabing kompanya.