^

Metro

25 tonelada ng puslit na karne ng manok nasabat sa Maynila, nagpositibo sa ASF

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
25 tonelada ng puslit na karne ng manok nasabat sa Maynila, nagpositibo sa ASF
Kabilang dito ang 988 kahon ng chicken pot wrapped, 499 kahon ng chicken with black pepper at 199 kahon ng popcorn chicken na pawang mga galing China.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 25 toneladang karne ng manok na positibo sa African Swine Flu ang nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board  matapos  na isagawa ang  inspection sa mga container sa Manila Harbour Center.

Kabilang dito ang 988 kahon ng chicken pot wrapped, 499 kahon ng chicken with black pepper at 199 kahon ng popcorn chicken na pawang mga galing China.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno na sa pagkakadiskubre ng kargamento lumitaw  din ang mga paglabag ng kompanyang  Ecosafe Agro Products Manufacturing  Fernando  Cortez na may address na Firstlink Container Yard, Harbour Center, Rd.10 Vitas, Tondo.

Kabilang sa nilabag ng kompanya ang RA 9296 na inamyendahan ng RA10536 Meat Inspection Code of the Philippines; RA 10611 o Food Safety Act of the Philippines at DA no. 26  series o 2005.

Lumilitaw din na walang permit para sa meat importation at cold storage ang nasabing kompanya.

Sasampahan ng kaso ang nasabing kompanya.

ASF

CHICKEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with