Nahakot na basura sa Manila Bay, umabot na sa 2K trucks
MANILA, Philippines — Nasa 2,000 truckload na ng basura kasama na ang mga burak, ang nakolekta sa Manila Bay may isang taon na ang nakakaraan buhat nang simulan ang rehibitasyon sa baybayin, ayon kay MMDA spokeperson Celine Pialago.
Ang 11,000 cubic meters ng basura ay katumbas umano ng higit 1,880 trucks na nakolekta sa Manila Baywalk at Baseco area habang nasa 6,000 cubic meters o katumbas na mahigit 1,000 trucks ng burak din ang nakuha sa drainage sa Metro Manila.
Ang Manila Bay Rehabilitaion program na pinangunahan ng DENR ay bilang pagtugon sa naging kautusan ng Korte Suprema noong taong 2008 na nag-aatas sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na linisin ito.
Noong nakalipas na Huwebes Enero 24, sa talumpati ni SC Chief Justice Peralta sa idinaos na Battle for Manila Bay: 2nd Manila Bay Task Force Principals’ Meeting and Conference” na ginanap sa Diamond Hotel, isang malaking hamon ang rehabilitasyong ito para sa 13 ahensiya ng gobyerno.
Sa ilalim ng writ of continuing mandamus, kinakailangang gawin ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga serye, o tuluy-tuloy na paglilinis at rehabilitasyon sa Manila Bay, hanggat hindi nakukuntento sa resulta ang Kataas-Taasang Hukuman.
Kabilang sa 13 ahensya ng gobyerno na dapat umakto sa rehabilitasyon ng Manila Bay ay ang; Metro Manila Development Authority; Department of Environment and Natural Resources; Department of Education; Department of Health; Department of Agriculture; Department of Public Works and Highways; Department of Budget and Management; Philippine Coast Guard; Phi-lippine National Police Maritime Group; Department of the Interior and Local Government; Metropo-litan Waterworks and Sewerage System; Local Water Utilities Administration; at ang Philippine Ports Authority.
- Latest