MANILA, Philippines — Asahan ang pag-kakaroon ng power interruptions ngayong linggo sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Ito ay matapos iha-yag ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ng pansamantalang brownouts sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan bunsod ng isasagawa nilang maintenance works sa kanilang mga pasilidad upang higit pang mapaghusay ang kanilang ipinagkakaloob na serbisyo sa kanilang mga kostumer.
Base sa maintenance schedule ng Meralco, nabatid na ang gagawin nilang pagkukumpuni, na magreresulta sa pansa-mantalang pagputol ng suplay ng kuryente ay sisimulan sa Martes, Enero 28, at magtatagal hanggang sa Sabado, Pebrero 1.
Kasama sa apekta-do nito ang Quezon City dahil sa relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng road widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Hon. G. Roxas at Sto. Domingo Sts. sa Brgy Manresa, at line reconductoring works na nakatakdang idaos sa 12th Ave. sa Brgy. Socorro sa Cubao.
Sa Parañaque City, magkakaroon ng pagpapalit ng mga pasilidad sa loob ng Entertainment City habang may line reconductoring works at replacement of poles naman sa Long Beach St. sa Merville Subdivision, sa Brgy. Merville.
Kabilang din sa po-wer interruption ang Sta. Lucia, sa Pasig City dahil sa pagpapalit ng poste sa 5th St. sa Riverside Executive Village
Sa Maynila naman, apektado ang Sta. Cruz, dahil sa pole replacement sa Aurora Blvd., kanto ng P. Guevarra St. habang sa Brgy. Batis, San Juan City naman ay mayroong power interruptions dahil sa pagpapalit ng poste at line reconductoring works sa J. Wright St.
Sa Cavite, apektado ang Carmona dahil sa line reconstruction works at replacement ng mga poste sa Loyola St., Brgy. Maduya samantalang sa Bulacan ay apektado rin ang Bocaue dahil sa line maintenance works sa North Luzon Expressway (NLEX) East Ser-vice Rd sa Brgy. Turo; pati San Rafael dahil sa reconductoring ng mga pangunahing linya sa Cagayan Valley Rd sa Brgy. Capihan; at ma-ging ang Baliuag, dahil sa reconstruction ng mga pasilidad sa n Camella Baliwag Subdivision, Phase 4, Barangay Pagala.
Humihingi naman ng paumanhin ang Meralco sa kanilang mga kostumer dahil sa perwisyong idudulot ng kanilang maintenance works.