120 pamilya nasunugan sa Tondo Fire

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa dakong ala-1 ng madaling araw at idineklarang fireout ng alas-6 ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 120 pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab kahapon ng mada­ling araw at tumagal ng limang oras  sa Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa dakong ala-1 ng madaling araw at idineklarang fireout ng alas-6 ng umaga.

Tinataya namang aabot sa P1.5 milyon ang pinsala ng sunog na umabot sa Task Force Delta.

Ayon kay Senior Fire Inspector Rodolfo Dinaga ng Manila Fire District, mabilis na lumaki ang sunog dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.

Isang nagngangalang Rolando Viray ang iniulat na nasaktan  dahil sa  minor injury.

Bagamat hindi naman nada­may ang kalapit na eskuwelahan ng Antonio Luna Elementary School, nagpasya  pa rin ang pamunuan ng paaralan na huwag munang papasukin ang mga estudyante kahapon  dahil na rin sa amoy ng nasunog na mga bahay at kable ng mga kuryente.

Inaalam pa ng Manila Fire District sa insidente ang sanhi ng sunog na umano’y sinasabing arson.

 

Show comments