^

Metro

Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, Binondo umalerto rin vs coronavirus

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, Binondo umalerto rin vs coronavirus
Bilang preventive mea­sure, inabisuhan ni Barangay 297 chair Johnny Sy ang publiko na huwag nang umalis at sumali sa okasyon kung hindi maganda ang pakiramdam ng sinuman.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakaalerto na ang Binondo district sa Maynila laban sa posibleng pagpasok ng  coronavirus kasabay sa pagdiriwang ng Chinese New Year bukas.

Inaasahan na maraming tao ang magtitipun-tipon sa mga kalsada sa selebrasyon, alam ng mga opisyal ng barangay na karaniwang naipapasa ang virus sa ganitong uri ng paligid.

Bilang preventive mea­sure, inabisuhan ni Barangay 297 chair Johnny Sy ang publiko na huwag nang umalis at sumali sa okasyon kung hindi maganda ang pakiramdam ng sinuman.

Sinabi naman ni Barangay 298 chair Jeric Tee na hindi naaalarma sa ngayon ang mga residente sa nasabing coronavirus ngunit palaging nauuna ang mga opisyal sa kanila.

Ayon sa isang travel agency sa Binondo, hindi naa­alarma ang mga kliyente tungkol sa coronavirus. Sa katunayan, isang tao lamang ang nagtanong kung mayroong travel ban sa China. Wala ring booking na kinansela sa kabila nito.

Hindi rin karaniwang destinasyon ng mga turistang Tsino ang Binondo, ayon sa travel agency.

 Isang limang taong gulang na batang lalaki naman galing Wuhan sa China ang mino-monitor ng Department of Health matapos magpakita ng “flu-like” symptoms. Nagsimula ang bagong virus noong Disyembre 31, 2019 sa Wuhan.

CHINESE NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with