Ilang lugar sa Binondo isasara bukas para sa Chinese New Year

Kabilang sa mga isasara ay ang Quintin Paredes buhat Dasmariñas patungong Plaza Ruiz, Reina Regente buhat Soler to Plaza Ruiz, Plaza Ruiz U-turn slot, Juan Luna buhat Reina Regente patungong San Fernando, San Fernando buhat Elca­no patugong Plaza Ruiz at Northbound lane ng Jones Bridge mula P. Burgos hanggang Escolta.
Philstar.com/ File

BINONDO , Philippines — Isasara bukas ng Manila  District Traffic Enforcement Unit ang ilang kalsada sa Binondo kasabay sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa advisory ng MDTEU, isasara ang mga kalsada  simula alas-5 ng hapon  dahil sa gaganaping concert sa  Plaza San Lorenzo Ruiz.

Kabilang sa mga isasara ay ang Quintin Paredes buhat Dasmariñas patungong  Plaza Ruiz, Reina Regente buhat Soler to Plaza Ruiz, Plaza Ruiz U-turn slot, Juan Luna buhat Reina Regente patungong San Fernando, San Fernando buhat Elca­no patugong Plaza Ruiz at Northbound lane ng Jones Bridge mula P. Burgos hanggang Escolta.

Samantala, sarado rin ang parehong lanes ng Jones Bridge mula Escolta at Magallanes Drive simula alas-10:30 ng gabi para sa fireworks display.

Naglabas naman ng alternative routes ang MDTEU para sa mga sasak­yang maaapektuhan.

Show comments