MANILA, Philippines — Libu-libong halaga ng iligal na droga ang naharang ng Bureau of Customs mula sa iba't ibang bodega ng Ninoy Aquino International Airport, pagbabahagi ng ahensya, Miyerkules.
Umabot sa 330 cartridges ng "liquid marijuana" ang iprinisenta ng Port of NAIA ngayong araw, na nagkakahalaga ng tinatayang P700,000.
Ayon sa Customs, nadiskubre ang 11 packages na naglalaman ng nasabing substance sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga nasabing air parcels.
"Nananatiling committed ang [BOC] sa mandato nitong protektahan ang mga hangganan ng bansa at suportahan ang gera kontra iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte," sabi nila sa Inggles.
Inilipat naman na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang cartridges ng liquid marijuana upang maimbestigahan upang malaman kung sinong mga nagpadala't consignees nito.
Idiniin naman ng BOC na iligal pa rin ang mga "hempseed" at "cannabidoil" at maaaring kumpiskahin alinsunod sa mga probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tarrif Act.
"Muling inuulit ng Bureau na may advisory nang inilabas ang PDEA pagdating sa mga nasabing produkto taong 2015 pa lang," sabi nila.
The Bureau further stressed that an advisory has already been issued by PDEA regarding such products dating back as early as 2015. — James Relativo