MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na pag-aaralan ang mga dapat pang baguhin at aksiyunang mga reklamo ng mga deboto sa naging karanasan sa katatapos lang na Traslacion 2020 para maipatupad sa mga susunod pang taon.
“We will listen to all of them. It is a learning experience for all of us. What is applicable, we could apply. What is not we have to learn from that,” ani Church rector Monsignor Hernando Coronel sa website ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Kinumpirma rin ni Coronel na ang katatapos na Traslacion ang naitalang pinakamabilis at pinakamaayos na prusisyon para sa Itim na Poong Nazareno na naaalala nila, dahil inabot lamang aniya ito ng mahigit 16-oras.
Nilinaw naman ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, na hindi intensiyong pigilan ang mga deboto na makalapit sa Andas nang gawing Andas wall ang kapulisan kundi para lamang matiyak ang maayos at mapayapang prusisyon.
Ani pa ni Coronel, “Every year we are trying to improve with the help of many agencies… this time it was smoother.”