^

Metro

Tax payment transaction sa Quezon City, higit pang pinabilis ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tax payment transaction sa Quezon City, higit pang pinabilis ni Mayor Joy Belmonte
“Every January, the city hall is filled with taxpayers who are dutifully settling their taxes. We are expecting around75,000 to 80,000 taxpayers so we want to ensure that we can accommodate everyone with fast and efficient service”, pahayag ni Mayor Belmonte.
STAR/ File

QUEZON CITY, Philippines — Dahil sa dagsa ng mga taxpayers ngayon sa Quezon City hall, higit na pi­na­bilis ni Mayor Joy Bel­monte ang proseso sa pagbabayad ng business at real property tax.

“Every January, the city hall is filled with taxpayers who are dutifully settling their taxes. We are expecting around75,000  to 80,000 taxpayers so we want to ensure that we can accommodate  everyone with fast and efficient service”, pahayag ni Mayor Belmonte.

Sa ngayon, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon  at hanggang matapos ang mga transaksyon ay bukas pa ang Treasurers office sa city hall mula araw ng Lunes hanggang Biyernes bukod pa sa serbisyo tuwing weekends.

Mula sa 6 steps sa pagbabayad ng buwis ay ginawa na lamang itong hanggang sa 4 steps kasama rito ang pag-fill up ng forms, evaluation at assessment, pirma ng city Treasurer at panghuli ang pagbabayad.

Ani Belmonte, ang maximum na proseso sa pagbabayad ng buwis ay umaa-bot lamang ng 30 minuto.

Anya, ang mga kliyente na may 7 o higit pang tran-saksyon ay maaaring direkta-hang pumunta sa City Treasurers Office sa  second floor ng annex building ng QC hall.

Mayroon ding sariling pila ang mga senior citizens, may kapansanan at mga buntis at komportableng waiting area.

Hinikayat din ni Belmonte ang ilang taga-QC na malapit sa City Treasurers office branches  sa Cubao, Galas, La Loma, Novaliches at Talipapa gayundin sa business centers ng  SM North, Alimall at Robinsons Novaliches na doon na magbayad ng buwis para hindi na mapagod pumunta sa city  hall.

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with